2022 Negros Breeders Showdown 5-Stag Derby Champions (August 10, 2022)






Balik sigla ang sabong sa Negros sapagkat naging matagumpay ang Negros Breeders showdown 5 Stag derby na naganap sa JRG Coliseum, Bacolod City nitong July 29, 2022. Nagkaroon ito ng 78 entries mula sa magagaling na breeders na nanggaling sa iba’t ibang parte ng bansa tulad ng Cebu, Dumaguete, Bohol, Davao at Bacolod. Nagtala ang palaban na ito ng 195 fights at mula dito ay tatlo ang nahirang na kampeon. Nakakuha ng perfect 5 points ang mga entry na MMM GF na pagmamayari ni Boss Jeje, Chicks Magnet ni Randy Escalante, JR Alcantara at RG7 at ang Con Artest 1 entry ni Salvador Diesmo Jr. Ang Lakpue Drug Inc (LDI) at ang Bacolod Cockers Club na organizers ng event na ito ay labis na natuwa sa turn out ng Negros Breeders Showdown kaya naman ay naghahanda na sila para sa kanilang susunod na palaban, ang LDI Christmas Showdown na magaganap naman sa December 14 at 16 at para naman ito sa mga National banded at Late born banded stags.

433 views0 comments