2022 Nuestra Señora Dela Candelaria 7-Cock Derby Champion Tony Palmes (February 3, 2022)


Isa ang tumayong kampeon sa 2022 Nuestra Señora Dela Candelaria 7-Cock Derby, isa sa mga prestigious cockfighting event sa bansa na ginanap sa Iloilo Coliseum, Jaro, Iloilo City noong January 30- February 2, 2022. Nakakuha ng 6.5 points ang Tresbastos entry ni Tony Palmes upang makamit ang karangalan ng pagiging kampeon. Ang format ng Candelaria Derby ay 4-3, 4 cock eliminations at 3 cock finals. Nagkaroon ng 109 quality at exciting fights ang huling araw ng labanan kung saan nagpakita ng husay at tibay ang mga manok mula sa ibat ibang parte ng bansa. At ang Tresbastos entry mula sa pagkuha ng perfect 4 points sa eliminations ay naka dalawang panalo at isang tabla sa finals upang maiuwi ang solo championship. Congratulations Tony Palmes at sa iyong team mula sa SABONGTV!

468 views0 comments