top of page

8-time World Slasher Cup Champion: Frank Berin


sabong, cockfighting, sabongtv, gamefowl, gamefarm, sabong philippines, cockfight, sabong derby, tupada, manok

Kung may isa mang prestihiyosong labanan ng sabong na inaasam-asam ng lahat na salihan, marahil ang isa sa pinakatanyag dito ay ang World Slasher Cup. Alam naman natin na hindi lamang ito sikat sa Pilipinas, kundi pati na rin sa buong mundo. Kaya naman tinagurian itong ‘The Olympics of Cockfighting.’


Ang World Slasher Cup ay ginaganap ng dalawang beses lamang sa isang taon mula sa Smart Araneta Coliseum. Tulad din ng Olympics, may mga nagiging kampeon dito na halos nangongolekta na ng medalya o tropeo. Isa na sa pinakakilalang kalahok na halos alamat na sa labanang ito ay si Frank Berin ng Mulawin Gamefarm.


sabong, cockfighting, sabongtv, gamefowl, gamefarm, sabong philippines, cockfight, sabong derby, tupada, manok

Noong Mayo 28, 2024, ang walong beses na World Slasher Cup champion na si Frank Berin ay muling nagpakitang gilas sa ruweda. Nakakuha siya ng walong puntos sa nangyaring 2024 World Slasher Cup 2, at sa kanyang natamong tagumpay, siya ay ginantimpalaan bilang kampeon muli, bilang co-champion sa nasabing kaganapan.


Congratulations sa isang 8-time winner, Frank Berin! Ang kanyang mga tagumpay ay patunay ng husay at dedikasyon sa larangan ng sabong. Mapapanood din siya sa mga nakaraang episode ng Thunderbird: Passion sa Tagumpay ng SabongTV dito.


sabong, cockfighting, sabongtv, gamefowl, gamefarm, sabong philippines, cockfight, sabong derby, tupada, manok

Ang World Slasher Cup ay hindi lamang isang kompetisyon, kundi isang pagdiriwang ng pinakamahuhusay na sabungero mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa bawat laban, nagiging saksi tayo sa kasaysayan at husay ng mga manlalaro, kaya naman patuloy itong inaabangan at pinahahalagahan ng marami.

135 views0 comments

Comentários


bottom of page