top of page

Balik Sabong Na! Ang Pag-Arangkada ng LGBA (November 18, 2020)



Noong nagsimula ang pandemya, halos kaunting kabuhayan na lamang ang umuusad sa bansa. Ngunit sa mga lugar kung saan lumuwag na ang ilang mga regulasyon ukol sa quarantine, unti-unti ng bumabalik ang sigla ng mga indutriya, kabilang na ang sabong. At sa pagbabalik ng number one sport ng mga Pilipino, umarangkada muli ang isa sa pinakakilalang asosayon ng Gamefowl Breeders sa Pilipinas, ang Luzon Gamecock Breeders Association, o LGBA.

Nitong nakaraang Nov. 14, 2020, naglunsad ng '6-Stag Derby' ang LGBA sa Antipolo Coliseum, kung saan tatlo ang nanalo bilang co-champions. Binati ng LGBA president na si Nicolas Makabenta Crisostomo sina Marco Flores sa kanyang entry na 'Markus,' Jherwin R. Lumanlan at Elmer Pagsisihan sa kanilang entry na 'Fred and John,' at Toto dela Pena sa kanyang entry na 'ADP Gamefarm.' Ang tatlong co-champions ay nakakuha ng five wins, at may one loss lamang sa nangyaring derby.

Ayon kay Ginoong Crisostomo, ang 'LGBA 6-Stag Derby' ay nagsimula ng maaga at natapos ng ala-singko ng hapon. Ito ang kanyang binanggit: "Maaga ang uwian at maiksi ang oras sa pag-aantay ng laban." Ngunit kahit na parang umiksi man ang naganap na derby, maaari na itong maging ehemplo sa mga susunod pang palaro ng sabong ngayon.


Maayos ang sistema na ipinatupad sa derby. Sa ginamit na paraan, puwedeng makatulong pa ito sa pag-iwas ng pagkakahawaan ng mga sabongero, lalo na sa gitna ng pandemya. Alang-alang sa kaligtasan ng mga manlalaro sa sabong, balak pa ng LGBA na gumawa ng mga ilang hakbang para maslalong bumuti ang kalagayan sa mga sabongan. Ito ang muling sinabi ni Ginoong Crisostomo: "We will improve our systems and procedures as we go along."

Sa pagtagumpay ng derby sa Antipolo, nagsagawa ulit ang prestihiyosong asosyon ng isa pang derby na gaganapin sa Nov. 19, 2020. At may alituntunin silang ginawa bilang gabay sa mga sabongerong sasali. Narito ang ilan sa mga nakasaad sa kanilang 'Derby Guidelines:'

  • Mahigpit na ipapatupad ang 'Safety Protocols' na mandato ng IATF

  • Isumite ang timbang sa araw na bago ganapin ang derby, mula ala-siete ng umaga hanggang alas-dos ng hapon.

  • Magdeposito ng 'entry fee' at 'minimum bet' para sa anim na stag sa halagang Php41,800.00 bago sa araw na gaganapin ang derby.

  • Hindi pahihintulutan ang 'cash transaction' sa derby.

  • Lahat ng panalo, premyo o halaga ng pera na dapat ibigay sa mga sumali ay ididiposito pagkatapos ng derby.

  • Ang 'Matching' ay magiging 'computerized.'

  • Mas tutukan ang mga sumusunod na 'safety measures:'

- No Face Mask, No Face Shield, No Entry

- Body Temperature Above 37C, No Entry

- Bring ID cards for Verification


Para sa mga karagdagan pang impormasyon tungkol dito, maaaring bisitahin ang LGBA sa kanilang social media at hanapin ang 'LGBA Derby Guidelines Under New Normal'.


Ang pag-arangkadang ginawa ng LGBA ay isang hakbang na makakatulong sa muling pagbangon ng sabong sa bansa. At sa muling pagkakaron ng palaban ng LGBA at ng iba pang mga asosasyon na magsisimula na din ang kanilang Stag Circuit ay malamang malaki ang tiyansa na mababalik ang dating sabong na malakas at masiglang industriya.


271 views0 comments

Kommentare


bottom of page