Iinit ang Kapaskuhan sa Sabong Derby ng RGBA (November 24, 2020)


Kung may mga lugar sa Antipolo na makapag-bibigay ng aliw ngayong taon, malamang isa na dito ay ang Antipolo Coliseum. Dito ginaganap muli ang ilan sa mga matitinding labanan ng sabong. At isa na dito ay ang 7-Stag Derby ng RGBA, o Rizal Gamefowl Breeders Association, na pinamumunuan ni Atty. Rey Directo.



Magkakaroon ng 3-Stag Eliminations sa naturang derby at dalawa dito ay naganap na. Ang unang elimination ay nangyari noong Nov. 10, 2020, at sa tatlumpong entry na sumali, may lima na nakakuha ng three points. Sila ay sina Edwin Benjamin at Christian Prias sa entry na 'Batibot RA.1,' Reynante Vista at Boss Enzo sa entry na 'EMV/RJV Amberita,' John Gutierrez sa entry na 'Chicken Joy GF- 2 H & J,' Randhel Mariano at Jerrybox Vale sa entry na 'Barommel/Never Surrender,' at Balonglong sa entry na 'MDB Palaban.'


Ang pangalawang elimination naman ay naganap noong Nov. 17, 2020. May apat na pung dalawang entry na sumali dito, at dalawa lamang ang nakakuha ng three points. Ito ay sina EAL sa entry na 'Yani,' at Anteng & Rhona sa entry na 'Butchoy Butchay.'


Samantala, ang pangatlong elimination ay gaganapin sa Nov. 27, 2020, ang pang-apat ay sa Dec. 1, 2020, at ang panglima naman ay sa Dec. 11, 2020. At humanda na rin sa isang mainit na kapaskuhan gawa ng magiging aksyon sa sabongan, dahil ang 4-Stag Pre-finals ay mangyayari sa Dec. 15, 2020, at ang Finals naman ay sisipa sa Dec. 22, 2020.


Para sa mga katanungan tungkol sa RGBA '7-Stag Derby,' maaaring tumawag, o mag-text sa 0915-3220159.



1,322 views0 comments

Recent Posts

See All